6/29/2007

Ang Parabula ng Asarol

picture of monk at bugtong.blogspot.com
Ang Parabula ng Asarol

Isang magsasaka ang nag-araro ng kaniyang bukid araw-araw nang mga nagdaang taon. Mahirap na trabaho pero sagana naman siya. Isang araw ay tinanong niya ang sarili niya bakit nagpapakahirap siya.

May isang monghe na kumatok sa bahay niya at humihingi ng limos. Naisip niya na maganda ang buhay ng monghe, walang masadong responsibilidad.

Kaya, nagpasya siyang iwanan ang kaniyang mga ari-arian at magmonghe rin.

Pagkataos niyang umalis sa bahay, naramdaman niyang walang kalaman-laman ang kaniyang mga kamay. Nahirati kasi siyang laging hawak ang asarol sa araw-araw at ngayon ay para siyang nanibago.

Bumalik siya sa kaniyang bahay, kinuha niya ang asarol at nag-isip siya kung ano ang gagawin niya doon. Nanghihinayang siyang itapon yon dahil yon ay matalim at makintab ahil sa dalas nang gamit niya.

Binalot niya ito at itinago sa loob ng bahay. Pagkatapos ay umalis ulit siya.

Ang magsasaka ay nagpumilit matuad ang mga kinakilangan para maging mabuting monghe. Pero, hindi niya mapigilan ang pagbabalik-alala sa kaniyang asarol tuwing mapaadaan sila sa isang taniman. Umuuwi siya at hinihimas ang asarol pagkatapos ay balik ulit siya sa templo.

Dumaan ang pito hanggang walong tao, naramdaman niyang tila hindi siya masaya ay malayang monghe pagkataos niyang magpakabanal. Mayroong sagabal at iyon ang nagaabigat sa kaniyang kalooban. Umuwi siya sa bahay, kinuha niya ang asarol at itinapon niya sa lawa.

Pagkatapos lumubog ang asarol. tuwang-tuwang nagsisigaw ang magsasaka nang,
"Nanalo ako, Nagwagi ako.

Nang oras na yon ay dumaraan ang hari ang batalyon nito mula sa matagumpay na pakikidigma. Narinig niya ang monghe at tinanong, "Ano ang iyong napanalunan? Bakit ka napakasaya?"

"Natalo ko ang masasamang damdamin na nasa aking puso. Pinalaya ko na ang aking sarili sa mga materyal na bagay na siyang nagpapabigat sa aking nais na maging isang nilalang.

Namasdan ng hari na masaya talaga ang monghe dahil sa siya ay malaya na sa mga pagnanasa sa mga bagay na materyal.

Nag-isip din siya."Nanalo nga ako pero ako ba ay masaya? Kinamkam ko ang mga lupang hindi sa akin. Hindi ito ang tunay na tagumpay.

Napag-isip din ng hari na ang tunay na matagumpay ang karaniwang tao na napalaya ang sarili sa pag-iimbot ng mga bagay na makakapagpaligayang pang materyal ay ang tunay na nagwagi.

Technorati tags:
,,

6/24/2007

Ang Parabula ng Gutom na Utak

Dear Readers,
Ito ang Tagalog version. Para sa English, pumunta sa Parable of the Hungry Mind.

May isang propesor na nakipagkita sa isang Ginagalang na Pinunong Zen. Tinanong niya kung ano ang ibig sabihin ng Zen. Ang Pinuno ay matahimik na nagbbuhos ng tsaa sa isang tasa. Puno na ang tasa subali't patuloy pa rin ang kaniyang pagbuhos.

Ang propesor ay hindi nakatiis at tinanong kung bakit patuloy pa rin ang kaniyang pagbuhos kahit puno na ang tasa.


"Ibig kong ipakita saiyo," sagot ng inunong Zen," na katulad din yan nang iyong nasang maunawaan kung anong ibig sabihin ng Zen habang ang iyong utak ay puno". Kailangang
alisin mo muna ang iyong pinaniwalaan tungkol sa Zen bago mo unawain kung ano talaga ang Zen."

cathcath at bugtong.blogspot.com

Technorati tags:
,,

6/23/2007

Ang Parabula ng Gutom na Aso

Dear readers,

For English version, go to The Parable of the Hungry Dog.

Ito ay parabula ni Buddha na ginagamit niya sa kaniyang pangangaral.

Ang Gutom na Aso

image of a dog at bugtong.blogspot.com
Mayroong isang dakilang hari na mapang-api sa kaniyang sinasakupan. Dahil doon ay kinasusuklaman siya ng mga tao.

Nang mabalitaan niyang nasa kaniyang kaharian ang isang Banal na Tao, pinuntahan niya ito at humingi ng aral upang magamit niya ang kaniyang pag-iisip sa makakabuti lalo sa kaniya.

Ang Banal na Tao ay nagsabi: Ikukuwento ko saiyo ang parabula ng gutom na aso.


Mayroong isang malupit na mapang-alipin na n hari kaya ang diyos na si Indra ay nagbalatkayong isang
mangangaso.
Kasama niya ang Demonyong si Matali na nag-anyong napakalaking aso, sila ay bumaba sa lupa. Pagpasok nila sa palasyo ay umatungal nang napakalungkot kung kaya ang mga
gusali ay nayanig ang kailaliman nito. Ang malupit na hari ay nag-utos na dalhin ang mangangaso sa kaniyang harapan at tinanong ang dahilan ng pag-aalulong ng aso.

Sabi ng mangangaso, "Ang aso ay gutom ". Kaya dali-daling nag-utos ang hari na kumuha ng pagkain. Pagkatapos ubusin ang hinandang pagkain, umalulong ulit ang aso. Nag-utos ulit na magdala ng pagkain ang hari para sa aso hanggang maubos ang kanilang inimbak na pagkain, hindi pa rin huminto ang aso sa kaaalulong. Naging desperado ang hari. Siya ay nagtanong, "Walang makakabusog sa asong iyan?" "Wala", sagot ng mangangaso. "Maliban siguro kung ipapakain ang balat ng kaniyang mga kaaway. "At sino ang mga kaaway niya ?" urirat ng hari.

Sumagot ang mangangaso: Ang aso ay atuloy na aalulong hanggang may naguguton na tao sa kaharian at ang kaniyang mga kaaway any ang mga malulupit na umaapi sa mahihirap.
Ang hari na tinutukoy ng Mangangaso ay naalala ang kaniyang masasamang gawi at siya ay nagtika at sa unang pagkakataon ay nalinig siya sa pangaral ng kabutihan.

Nang tapos na ang kuwento, pinagsabihan ng Banal na Tao ang hari na namutla sa takot :
"Ang Tathagat ay mapapadali ang pandinig ng mga may kapangyarihan at ikaw dakilang hari kapag narinig mo ang pagtahol ng aso, isipin mo ang mga Turo ni Buddha at tatahimik ang Aso.

cathcath at bugtong.blogspot.com

Technorati tags:
,,